Nagkasa ng libreng sakay ang Department of Transportation (DOTr) at ilang ahensya ng gobyerno nitong Lunes, Setyembre 28, sa gitna ng tigil-pasada ng ilang transport group.
Ayon sa DOTr, isasagawa ang libreng sakay mula alas-6 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi.
Kabilang sa mga ruta nito ang Quiapo-Fairview, Quiapo-Welcome Rotonda, Nagtahan-Cubao, Cubao-Fairview at Galleria-Taytay, kabilang ang pabalik na biyahe.
Ang libreng sakay ay tugon umano sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking may masasakyan ang mga pasahero.
Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, nag-deploy ang mga ahensya ng kanilang mga sasakyan upang matiyak ang tuloy-tuloy na biyahe ng mga commuter at maiwasang ma-stranded ang mga ito.
Katuwang ng DOTr sa operasyon ang Office of the President (OP), Department of Economy, Planning and Development (DEPDev), Department of Energy (DOE) at Philippine Coast Guard (PCG). (AC)


