WebClick Tracer

LF losartan: Joy Barcoma nahilo kaka-tumbling dahil kay Carlos Yulo

Napa-tumbling nang paulit-ulit si TV host Joy Barcoma nang mapasubo ang una sa interview kay Carlos Yulo. Wala kasing pag-aalinlangan ang Olympic Gold medalist sa pagsagot sa trivial at personal questions sa kanilang morning show nitong Lunes.

Maagang bumisita sina Joy kasama si Susan Enriquez sa bahay nina Carlos nitong Setyembre 28 upang makapanayam ito matapos nga ang matagumpay nitong pagsali sa Asian Games na ginanap sa Japan. Humakot pa siya rito ng 2 gintong medalya sa gymnastics.

Ang dahil gymnastics ang usapan, nais nilang magpaturo na rin kay Carlos. Nagpa-challenge sila ng “sagot o stunt” kung saan kapag ayaw sumagot ni Carlos sa tanong ay ta-tumbling ito, at kung sasagutin naman niya ang itatanong ay si Joy naman ang babalentong.

“Sasagutin ko po ‘yan lahat!” wika ni Carlos, kaya hindi pa man nag-uumpisa ang tanungan ay tawang-tawa na ang mga morning show host.

“Salamat ha!” pabirong reaksyon naman ni Joy.

Habang tumatambling si Joy, bakas sa mukha ni Carlos ang magkahalong pag-aalala at pagkaaliw sa kakulitan nito. Aniya pa, sa paulit-uulit nitong pag-tumbling ay gumaganda na ang pagbagsak nito sa sahig.

“Yes. Practice makes perfect!” pakli naman ni Joy.

Tinanong rin si Carlos kung anong masasabi niya sa losartan warriors, o ‘yung mga naha-high blood na basher niya.

“I don’t really care kung anong sasabihin ng ibang tao. Ang importante, kung ano ‘yung opinyon ko sa sarili ko din and ‘yung family ko po right now. Kung ano po ‘yung tama’t mali.

“Mas kilala ko ‘yung sarili ko kaysa sa ibang tao,” sagot ni Carlos.

Ngunit idiniin niyang ayaw niyang mangyari ito sa ibang tao, dahil para sa kanya ay disrespectful ito.

“At dahil diyan, ta-tumbling ulit kayo,” wika pa ni Carlos kay Joy, na sa ikaanim na beses ay kitang nahilo na.

“’Yung ulo ko parang flat na! Ako na po ‘yung maglo-losartan pagkatapos nito!” joke pang muli ng TV host na si Joy.

Samantala, may plano na nga raw silang magpakasal ng kanyang dyowa na si Chloe San Jose. Sa Instagram post ng dalawa ay inamin nilang engaged na sila noon pang Disyembre 2025, at nag-share ng ilang photos at video ng moment na iyon.

“9 months ago… She said ‘Yes’,” post ni Carlos nitong Lunes.

“Blessed to love you. Blessed to be loved by you. Blessed to have you as my fiancé and, soon, as my forever.

“Mahal ko, pangako kong aalagaan, mamahalin, at poprotektahan kita sa lahat ng panahon. Sa hirap at ginhawa, sa saya at pagsubok, pipiliin kita araw-araw. At sa biyaya ng Diyos, makakasama kita hanggang sa buhay na walang hanggan,” dagdag pa nito.

Post naman ni Chloe:

“Our little secret since December 18 2025… For 9 months, we’ve been treasuring this beautiful secret between us, quietly smiling to ourselves and taking our time to cherish it, knowing that one day we’d finally share it with the world.

“Mahal ko, I would choose you in every lifetime. And now, we get to choose each other for the rest of this one. I love you. Forever,” pahayag naman nito. (Jun Lopez)