WebClick Tracer

Lacson kinontra sinabi ni Dizon na walang ‘ghost’ projects sa Taguig

Kinontra ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang pahayag ni DPWH Sec. Vince Dizon na walang “ghost” projects sa Taguig.

Ani Lacson, hindi pa maaaring tuluyang makumpirma na walang ganitong proyekto sa lungsod.

Nagpapasalamat daw siya kay Dizon sa paglilinaw at sumasang-ayon siyang hindi awtomatikong nangangahulugan na “ghost” project ang mga nakitang problema sa ilang flood control project sa Taguig.

Gayunman, iginiit ng senador na hindi rin maaaring agad na masabing walang “ghost” projects sa lungsod.

“Thank you, Sec. Vince, for the clarification. I agree that preliminary inspection findings on several questionable flood control projects in Taguig—such as those on St. Timothy’s slope protection project—do not automatically prove a project was ‘ghosted,’ but we also cannot definitively conclude that no ‘ghost projects’ exist,” ani Lacson sa post sa kanyang X account nitong September 28. (IS)