WebClick Tracer

Kaila Estrada trending pagrampa, isinabong kay Kathryn Bernardo

Naagaw ni Kaila Estrada ang limelight sa social media nang mag-trending ang naging pagrampa niya sa nakaraang Bench Fashion Week habang siya’y naka-two piece.

Pinulutan ng maraming netizen ang mga shot ni Kaila na nagpapakita ng kanyang kaseksihan at sinasabing confidence.

Sa X media na lang nagkalat na ang mga shots ni Kaila.

“Grabe nakakapaso!”

Pero syempre ilan ang nag-nega.

“Mas may karisma pa nga si Ina Raymundo kesa dito e.”

“Para syang lalake”

“Sori pero…”

Sa isa pang post, pinagsabong sina Kaila at Kathryn Bernardo kahit no-show ang Box Office Queen.

Pinagtabi pa ang ang dating runway show ni Kathryn sa latest rampa ni Kaila.

Papuri ng netizen sa larawan ni Kathryn.

“Legs at tindig pa lang, tapos na ang laban!”

Pinintasan naman si Kaila ng iba.

“Wala syang belekeng”.

“Wala a feel c ateng”.

“Ang chaka ng design”.

May mga nag-angat naman sa itsura ni Kaila sa show.

“kaila is stunning”

“She walked the runway with confidence. She was lean, toned and most of all, healthy. She’s the new it girl.”

“Was there last night. Not a fan but Kaila is soooo hot”.

“Kaila si so sexy yet very classy.” (Rey Pumaloy)