Sinimplehan lang ni Kaila Estrada ang pagrampa sa runway, ngunit hindi maikakailang mala-prinsesa siyang naglalakad sa harap ng madla. Taas-noo niyang ibinalandra ang angking kagandahan at kaseksihan sa fashion event ng isang kilalang clothing brand nitong Linggo.
Suot ang two-piece active-style underwear na kulay-blue na may white lining, at black na leather jacket, inari ni Kaila ang runway habang napapahiyaw ang audience sa kanyang presensiya.
Kakaibang confidence ang bitbit ng rumored girlfriend ni Daniel Padilla, huh!
Ilan sa mga komento ng netizen sa pagrampa ni Kaila sa Bench Fashion Week Holiday 2026 nitong Setyembre 27:
“She has the guts to wear two piece with class. I just love it!!!”
“Super model talaga galing.”
“Very classy kya nga cia kinuhang model mula p noon at very smart dagdag p ung very eloquent in hosting and delivering herself.”
“Ganda! Sooo simple, yet classy!”
“Panis! Go get it!” post pa ng half-brother niyang si Luigi Muhlach sa Instagram stories nito.
Sosyalin ang dating. Drop-dead gorgeous. Slay. Majestic. Irampa mo pa, Kaila! (Jun Lopez)


