Maraming mga faney ang naghanap kay Kathryn Bernardo sa Bench Fashion Week Holiday 2026.
Agad napansin ng mga netizen na hindi kabilang si Kathryn sa mga rumampa sa kahit anong araw noong September 26 at September 27.
Ito ay kahit pa present ang aktres sa naturang fashion week noong 2025 at maging 2024.
Dahil wala si Kathryn, napa-throwback na lamang tuloy ang mga faney.
“May srili syang technique s pagrampa. The best still sya prin hinahnp ng mga tao, Katreng,” sey ng isa.
“ito talaga ang model walang katulad..pintasan man ng iba pero iba at iba pa rin ang isang Kathryn,” dagdag pa ng isang faney.
“Ang boring ng bench event kagabi bossing tas liit p ng space… Wla kc yung hinahanap ng lahat (Kathryn),” saad pa ng isa.
Samantala, may ibang netizen naman ang idinawit ang pangalan ni Kaila Estrada, na kasalukuyang karelasyon ni Daniel Padilla.
Rumampa kasi si Kaila suot ang blue and white athletic two-piece at tinernuhan ng jacket.
Hindi naman pinalampas ng mga netizen ang pagkumpara kina Kathryn at Kaila, habang ang iba ay ipinagtanggol ang kanilang idol.
“Walang dating talaga si Kaila Estrada, kahit sa oag lalakad nlng,” komento ng netizen.
“Sabi ko naba eh ngumawa talaga ang mga aso ni kathryn taga may ganap si kaila laging nakatahol,” sey naman ng faney ni Kaila.


