Napatanong si House prosecution panel spokesperson at Kabataan party-list Rep. Renee Co kung may private army ba si Vice President Sara Duterte at ang kanyang asawang si Atty. Manases Carpio dahil sa dami ng kanilang pagmamay-aring armas.
Ginawa ni Co ang pahayag matapos tumestigo si PMAJ Joericson Sangalang sa Senate impeachment court nitong Lunes at kinumpirma na may kabuuang 52 baril ang mag-asawang Duterte-Carpio.
“This raises so many questions: Una, 7 million raw ang halaga ng lahat ng ito ayon sa market value, pero hindi pa rin malinaw kung magkano at paano talaga ito nakuha ng VP. Ang HK 416, isa sa mga rifle sa ilalim ng pangalan ni Carpio, ay umaabot ng 900k,” sabi ng lady solon.
“Ikalawa, last year we also confirmed mula sa COA na halos kalahati ng personnel ng OVP noong 2024 ay puro security detail. Mula sa 781, 335 ay security personnel. So para saan ang pagmamay-aring 52 na baril—private army yarn?” tanong ni Co.
Sa 52 baril, 22 ang nakapangalan sa bise presidente.
“This egregious number of firearms and security personnel under her belt is emblematic of the culture of impunity and violence rampant in the country. Nakita natin nitong mga nakaraang buwan kung paanong ang parehas na mga baril na pagmamay-ari ng mga kinauukulan ay ginagamit sa school shootings,” sabi ng mambabatas.
“A Vice President who makes death threats and who has enough guns for a private army is a dangerous combination and again raises questions on her fitness to hold office,” dagdag pa ni Co. (Billy Begas)


