WebClick Tracer

Grocery store owner sa Muntinlupa binosohan ng regular customer na estudyante

Viral ngayon sa social media ang pamboboso ng isang 23-anyos na college student at regular customer ng isang Korean grocery store sa Soldier Hills, Muntinlupa City.

Sa isang Facebook post ng uploader na Zoa Zoa Kstore, mapapanood ang pag-assist ng babaeng owner sa lalaki, na umano’y ilang taon na ring pabalik-balik sa kanilang tindahan.

Samantala, makikita naman ang lalaki na palihim na kumukuha ng larawan sa ilalim ng palda ng umano’y store owner.

Nangyari aniya ang insidente noong Setyembre 9 pero Setyembre 21 lamang niya napansin ang kahina-hinalang kilos ng lalaki, at nadiskubre sa ga CCTV footage na ilang beses na itong ginawa sa kanya.

Humingi naman umano ng tawad ang lalaki at inamin ang ginawa sa barangay hall.

Sinabi rin ng ina nito na sana ay patawarin siya upang hindi masira ang kanyang pag-aaral, ngunit nagpasya ang biktima na magsampa ng kaso. (AM)