WebClick Tracer

Gracioso hinamon sina VP Sara, Velasco na magpa-lie detector test

Hinamon ni dismissed policeman Rodulfo Gracioso Jr. sina Vice President Sara Duterte at dating House Speaker Lord Allan Velasco na sumailalim sa lie detector test para malaman umano kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo.

Ginawa ni Gracioso ang hamon matapos itanggi ni Duterte na kilala niya ito at nakatanggap ng mga maleta na may lamang pera mula sa dating pulis.

“Kay Ma’am Sara po at kay Sir Allan Velasco, kung willing siya magpa-lie detector test dito sa NBI para [malaman] kung sino ang nagsasabi sa atin ng totoo at hindi,” ani Gracioso.

Sa pagharap niya sa NBI, nagpakita rin si Gracioso ng mga larawan na umano’y kasama niya sina Duterte at Velasco bilang patunay na magkakilala sila.

Nauna nang pinabulaanan nina VP Sara at Velasco ang mga alegasyon ni Gracioso. (IS)