WebClick Tracer

Gov’t response sa trafficking, illegal recruitment pinarerebyu

Panahon na umano para rebisahin ng gobyerno ang kanilang kampanya laban sa human trafficking at illegal recruitment na nagpapahamak sa mga Pilipino na naghahangad ng trabaho sa ibang bansa tulad ni Mary Jane Veloso.

Ginawa ni Manila Rep. Joel Chua at Bohol Rep. Kristine Alexie Tutor ang panawagan matapos pagkalooban ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ng absolute pardon si Veloso kaya nakalaya na ito halos isang taon matapos ilipat ng Indonesian government ang kudosya sa kanya.

“The pardon gives Mary Jane and her family the chance to finally move forward after so many years. I welcome the President’s decision,” pahayag ni Chua.

“But government must also ask: how do we prevent another Mary Jane Veloso? We have to find out where the system failed and what government can do earlier to protect Filipinos from recruiters and criminal networks,” dagdag pa ng mambabatas.

Dahil dito, imungkahi ng mambabatas sa Department of Migrant Workers (DMW), Department of Justice (DOJ) Inter-Agency Council Against Trafficking, law enforcement agencies at iba pang ahensya ng gobyerno na rebyuhin ang mga polisya at palakasin pa ang kanilang koordinasyon sa laban sa mga illegal recruitment at human trafficking.

“We should examine what happens from recruitment and departure all the way to detection, legal assistance, investigation, and prosecution. We need to know where the gaps are and where government can intervene sooner,” ani Chua.

Ayon naman kay Tutor, hindi dapat pinaalalahanan lamang ng mga ahensya ng gobyerno ang mga Pilipino na nagnanais magtrabaho sa ibang bansa na huwag magpabiktima sa human trafficker at illegal recruiters bagkus ay lansagin ang sindikatong ito bago pa man sila makapambiktima tulad ng ginawa kay Veloso.

“Hindi sapat ang simpleng paalala na ‘mag-ingat.’ Dapat alam ng aplikante kung ano ang iche-check, saan magve-verify, at saan agad magrereport kapag may kahina-hinalang offer,” ayon kay Tutor.

Mas lalong dapat paigtingin aniya ang anti-human trafficking at illegal recruitment campaign ng mga ahensyang ito lalo na’t idinadaan na sa social media ang pambibiktima ng mga ito.

“Hindi dapat maging madaling hunting ground ng scammers at illegal recruiters ang online platforms. They should be our partners in protecting Filipino job seekers,” ayon pa sa lady solon. (Bernard Taguinod)