WebClick Tracer

Gobyerno patuloy ang tulong sa mga OFW na tulad ni Mary Jane Veloso – Recto

May mga overseas Filipino worker (OFW) na katulad ng pinagdaanan ni Mary Jane Veloso ang patuloy na tinutulungan ng gobyerno.

Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, karamihan sa mga nakakulong ngayon sa iba’t ibang bansa ay nalinlang at naging biktima ng trafficking kaya nakakulong ngayon sa ibang bansa.

May ilang kaso aniya na tinututukan ng gobyerno tulad na lamang ng mga Pinoy seafarer na inaresto sa Algeria matapos matuklasan ang tinatayang 35.8 kilo ng illegal na gamot sa kanilang barko habang nakadaong sa Port of Algiers noong 2023.

Mula sa bilang na walo, lima dito ang napawalang-sala at tatlong Pinoy ang patuloy na nakapiit sa nabanggit na bansa.

Sinabi ni Recto na kung may natutunang leksiyon ang gobyernon sa pinagdaanang hirap ni Veloso, ito ay ang patuloy na pagganap sa tungkuling maprotektahan ang mga OFW kahit nagbabago ang liderato ng administrasyon. (Aileen Taliping)