Nagsasaya ang Universal Pictures PH, ang buong cast at production sa tagumpay ng kauna-unahang Filipino-themed American animated film na “Forgotten Island”.
Base sa IG post ng Universal Pictures PH, rumanggo sa No. 1 ang nasabing movie sa bansa.
Sabi sa caption ng post, “FORGOTTEN ISLAND IS THE #1 MOVIE IN THE PHILIPPINES!
“Salamat sa pagpunta sa sinehan para ipakita sa buong mundo kung gaano natin kamahal ang kuwentong atin. TAYO NA, PHILIPPINES! The #1 movie is in CINEMAS NOW.”
Umani naman ng congratulations message ang post na ito ng UPPh mula sa mga Pinoy fans.
May ilang nagtaka kung bakit number 1 ang movie gayong konti lang raw ang mga nanood at mahina ito sa box office nong weekend.
“Planning to watch soon, curious lang po ako paano naging #1 kahit may mga nagsasabi konti lang nanood at mahina ang box office sa opening weekend. Anyways, congrats Team FI, san babawi tayo sa mga susunod na linggo.”
“Anong mahina? Full house nung nanuod kam. Wag mong intindihin ang box office result, isipin mo pano ka susuporta sa ganitong project na nagre-present satin!”
May nag-react naman na sa US at Canada ay mababa talaga ang sales. Pero dito sa bansa nangunguna ito sa mga kasabayang movie na ipinalabas.
“Sa Pinas number 1 pero sa US/Canada, mababa sales.”
“We watched it yesterday, and the cinema was packed. I’m so happy, cause this movie is soooo good.”
Ang iba ay nagi-enganyo na suportahan at panoorin pa ang movie para mapanatili ang ranking nito.
Samantala, wala pang reaksyon ang mga lead voices sa pelikula na sina Liza Soberano, H.E.R, Lea Salonga sa tagumpay ng kanilang movie.
Ang huling post ni Lea ay ang excitement nito sa collab nila ng BINI sa isang soundtrack sa movie.
Hindi nasayang ang effort ng mga nabanggit na bumalik sa Pinas para i-promote ang kanilang nasabing animated film. (Rey Pumaloy)


