WebClick Tracer

Ex-House Speaker Velasco nagging security detail si Gracioso – PNP chief

Kinumpirma ni PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na naging bahagi ng security detail ni dating House Speaker Lourd Allan Velasco si Patrolman Rodulfo Gracioso Jr.

Ayon kay Nartatez nitong Lunes, Setyembre 28, may mga kaso din si Gracioso sa PNP Calabarzon noong 2021 at 2022.

Hindi lamang aniya naaksyunan kaagad ang kaso nito kaya inabot ng September 11, 2026 bago siya nasibak sa serbisyo.

Matatandaang si Gracioso ay lumutang noong nakaraang linggo at ibinunyag na siya ang bagman at nag-deliver ng male-maletang pera sa pamilya Duterte at iba pang personalidad. (Edwin Balasa)