WebClick Tracer

Eldrew Yulo edad 4 o 5 nagsimula sa gymnastics

Sinundan ni Karl Eldrew Yulo ang yapak ng kanyang kuya at nagsimulang mag-gymnastics sa murang edad na apat o limang taong gulang pa lamang.

Ibinunyag ito ni Eldrew sa programang “Memo with Korina” ng Bilyonaryo News Channel.

Nang tanungin naman ang kanyang kuya — si Olympic gold medalist Carlos Yulo — kung siya ba ang nakaimpluwensiya sa kanyang nakababatang kapatid para pasukin ang gymnastics, sinabi nitong maaga lamang silang dinala sa naturang sport.

“More on dinala po agad sila sa gymnastics po… parang siguro din wala rin po silang naging chance na maka-try po ng other sport na gusto siguro nila. Pero at the same time, may talent po talaga,” ani Caloy.

Samantala, pitong taong gulang naman si Caloy nang magsimula bilang gymnast.

Panoorin ang buong panayam sa September 28 episode ng “Memo with Korina”.

Napapanood ang “Memo with Korina” ng 7:30 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes sa Free TV Channel 31, Cignal Channel 24, Samsung TV Plus, TCL Smart TV, Blast TV, AmasianTV, Cignal Play, at sa YouTube and Facebook accounts ng BNC. (IS)