WebClick Tracer

Bus sumalpok sa nakahintong tricycle sa San Pascual, Batangas; 2 nasawi, 3 sugatan

Dalawa katao ang nasawi habang tatlo ang sugatan matapos bumangga ang isang bus sa nakahintong tricycle sa provincial road sa Barangay Palsahingin, San Pascual, Batangas.

Batay sa imbestigasyon ng San Pascual Municipal Police Station, dakong alas-12:20 ng tanghali noong Sabado nang huminto ang tricycle na minamaneho ni Renato Pelonia, 49, upang magsakay ng isang pasahero.

Habang nakahinto ang tricycle, nasalpok ito sa likurang bahagi ng bus na minamaneho naman ni Pablo Pedraza, 52, na parehong patungo sas south direction sa nasabing kalsada.

Nagtamo ng mga sugat sa insidente ang driver ng tricycle at tatlo nitong pasahero na isinugod sa San Pascual de Baylon Hospital at San Antonio Life Care Hospital para malapatan ng lunas.

Subalit idineklarang wala ng buhay ang isang pasahero ng tricycle na si Epetacio De Guzman Sorezo, 54, habang iniulat namang pumanaw din sa ospital ang driver ng tricycle dahil sa tinamong mga pinsala.

Nasa kustodiya gn pulisya ang driver ng bus inihahanda at sinampahan ng ng kasong reckless imprudence resulting in Homicide, Multiple Physical Injuries and Damage to Property. (Ronilo Dagos)