WebClick Tracer

Benny Abante inantok sa mga tanong ng depensa ni VP Sara

Hindi umano napigilan ni Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. na makatulog sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte dahil inantok umano ito sa mga tanong ng defense lawyers.

“Nakakaantok ‘yung mga tanong ang defense lawyers eh, kaya nakatulog ako eh,” ani Abante.

Sa gitna ng impeachment trial, sinabihan ni presiding officer Francis “Chiz” Escudero sina prosecutor at Iloilo Rep. Lorenz Defensor at prosecution spokesman Robert Ace Barbers na pakikalabit si Abante dahil nakikitang natutulog ito sa likod ng witness.

“Your Honor, I think he’s praying for us,” ang natatawang sagot naman ni lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro ni Escudero ng “I doubt that”.

Nang makapanayam ng media si Abante, inamin nito na nakaidlip ito dahil inantok umano ito sa mga tanong ng mga abogado ng pangalawang pangulo.

“Pero alam mo masarap makinig pero pagka malamya na yung mga tanong defense lawyers, nakakaantok na,” ani Abante.

Inamin ng mambabatas na hindi nito nagustuhan ng mga tanong ng mga defense lawyer sa witness ng prosecution team na si Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS) Division Chief Rendell Sopeña.

“‘Yung mga tanong kasi ng defense lawyers eh palaging ino-object ng prosecution team dahil hindi naman ayon sa sagot ng witness eh. Para bang yung nilalansi tayo. Nag-e-iskirt doon sa talagang issue,” ani Abante.

Hindi naman pinalabas si Abante subalit inamin nito na alas-dos ng madaling araw na umano itong nakatulog. (Bernard Taguinod)