WebClick Tracer

Asian Games: Sibol esports team nagdagdag ng bronze sa ‘Pinas

Nasungkit ng Philippine esports team na Sibol ang bronze medal sa Honor of Kings event ng 2026 Asian Games sa Japan nitong Lunes, Setyembre 28.

Nabigo ang Sibol na makapasok sa finals matapos itong talunin ng China sa semifinals ng kompetisyon.

Sa kabila nito, nakamit pa rin ng Sibol ang podium finish para sa Pilipinas sa esports event ng Asian Games.

Nakapaghatid ang koponan ng pangalawang esports bronze medal para sa bansa.

Dahil dito, umakyat sa 13 ang medalyang napanalunan ng bansa sa 2026 Asian Games nitong Lunes. (IS)

KW: Sibol esports team Honor of Kings event 2026 Asian Games