WebClick Tracer

Ashley Lopez proud na naka-eksena si Michael V

Biggest achievement sa ngayon para sa sexy actress na si Ashley Lopez na mapabilang sa sitcom ng comedy genius na si Michael V. Isang karangalan para sa kanya na mabigyan ng pagkakataong ipakitang kaya niyang makipagsabayan sa mga eksena kasama si Bitoy, huh!

Isang appreciation post ang shinare ni Ashley sa kanyang social media accounts nitong Setyembre 27.

“The biggest plot twist of my year? Being part of GMA Network’s longest-running sitcom, Pepito Manaloto,” post ni Ashley.

Hindi nga rin daw niya inakala na ang dating palabas na pinapanood lamang niya noon, ngayon ay napabilang na siya.

“Still feels surreal to say that I’m part of something I’ve watched and admired for so long. Some dreams really do find their way to you when you least expect them,” dagdag pa ng VMX star.

Bukod sa buong cast nito, naka-eksena rin ni Ashley sa episode ng naturang show nitong Sabado si Jennylyn Mercado.

Pinasalamatan naman niya si Bitoy sa pagbibigay sa kanya ng oportunidad na ito.

“Thank you so much, Sir Michael V., for making this dream a reality and for giving me a chance to be part of this beautiful journey,” say pa ni Ashley.

Bukod pa riyan, naging guest player din siya sa “Family Feud” kung saan si Michael V muna ang pansamantalang game show host, kapalit ni Dingdong Dantes.

Kaya naman ganoon na lang ang pagtanaw ng utang na loob ni Ashley kay Bitoy sa pagbibigay sa kanya ng chance na mas ipakita pa ang kanyang talento sa showbiz industry. (Jun Lopez)