Mabilis na nilampaso ni Filipina tennis star Alex Eala si Patcharin Cheapchandej ng Thailand at umabante sa quarterfinals ng women’s singles sa 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan nitong Lunes, Setyembre 28.
May Philippine flag sa kanyang dibdib, agad rumatsada ng matinding laro si Eala at nagtala ng 4-0 kalamangan.
Napanatili niya ang momentum habang bigo namang makasabay si Cheapchandej sa mabilis na ritmo ng 21-year-old Filipina, 6-1, 6-0.
Tumagal lamang ng 56 minuto ang kanilang laban.
Dahil sa panalo, hinihintay na lamang ni Eala ang mananalo sa pagitan nina Joanna Garland ng Chinese Taipei at Mandegar Farzami ng Iran para sa kanyang quarterfinal opponent. (Issa Santiago)


