Maaaring gamitin ang artificial intelligence (AI) para matukoy at ma-flag ang mga online conversation na posibleng mapanganib, ayon sa tech expert na si Edison Go Tan.
Sa panayam sa “At the Forefront” ng Bilyonaryo News Channel, sinabi ni Go Tan na hindi praktikal na mano-manong bantayan ang milyon-milyong mensaheng ipinapadala online araw-araw.
Karamihan naman aniya sa mga platform ay mayroon nang sistema kung saan awtomatikong nafa-flag ang mga mapanganib na salita.
“There are thousands or even millions of messages every single day. It’s not something that you could actually take a look at every single message, di ba?” ani Go Tan.
Dahil dito, iminungkahi niyang magkaroon ng sistema para matukoy kung aling mga mensahe ang mas dapat pagtuunan ng pansin.
“I think there should be a prioritization or maybe using the technology that we have, maybe AI to assist in determining which messages are actually more probable to be a threat or a possible cause of concern,” dagdag niya.
Iminungkahi rin ni Go Tan na maaaring bumuo ang Cybercrime Investigation and Coordination Center (CICC) ng isang centralized team na direktang makikipag-ugnayan sa mga social media platform kaugnay ng mga natukoy na potensyal na banta.
Panoorin ang buong panayam sa September 28 episode ng “At the Forefront” ng Bilyonaryo News Channel.
Mapapanood ang programa tuwing Lunes hanggang Biyernes, alas-10:30 ng umaga, sa Free TV Ch. 31, Cignal Ch. 24, Samsung TV Plus, TCL Smart TVs, Blast TV, AmasianTV, Cignal Play, BNC YouTube at Facebook. (AC)


