WebClick Tracer

Valenzuela Mayor Wes Gatchalian binisita si Jerry Gracio

Si Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian habang binibisita ang nagpapagaling na manunulat na si Jerry Gracio.

Binisita ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian si Jerry Gracio nitong Sabado, Setyembre 26.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Gatchalian ang kanyang pagdalaw sa writer kasama si Councilor Gerry Esplana.

“Dalangin ko po ang inyong tuluyang paggaling. Magpalakas po kayo. 🙏🏻,” ani Gatchalian.

“Salamat po sa pagpapahintulot na madalaw namin kayo. Nandito lang po ang inyong lungsod. Makakaasa po kayo sa aming suporta sa abot ng aming makakaya.💙💙💙,” dagdag niya.

Nagpasalamat naman si Gracio sa pagdalaw ng dalawa at nagbahagi pa ng nakakatuwang kuwento tungkol sa kanilang pagkikita.

“Sabi ng pamangkin ko nasa baba sa Mayor Wes. Nataranta si Mong dahil bold na naman ako, naka-diaper dahil nga walang aircon sa baba. Buti na lang nakahanap siya ng shorts, hindi ako naabutan ni Mayor in my sultry attire,” ani Gracio sa hiwalay na Facebook post.

“Ayun puro kalokohan ang kuwentuhan dahil kay Konsi Gerry. Nangiwi tuloy ako. Salamat sa dalaw,” dagdag niya.

Patuloy na nagpapagaling si Gracio matapos ma-ospital noong Agosto dahil sa stroke. (AC)