Seryoso na umano ang relasyon ng basketball player na si Chad Gammad at ng PBA courtside reporter na si Apple David.
Sa unang pagkakataon, nagsalita si Apple tungkol sa kontrobersiyal na relasyon niya sa batang basketbolista sa episode ng “Sports Ambush” ngayong September 27.
Ibinahagi rin ni Apple na tanggap ng kani-kanilang pamilya ang relasyon nila ni Chad.
Dagdag niya, may mga plano na sila ni Chad sa future.
“It’s very serious, we have plans,” ani Apple tungkol sa estado ng relasyon nila ni Chad.
Pero ayaw raw niyang ikuwento ang iba pang details tungkol sa mga plano nila.
“I don’t want to say a lot about our plans. Kasi alam mo naman nakaabang ang mga abangers sa intriga… kasi mas maraming nakakaalam, mas maraming nakikialam,” saad ni Apple, na isa sa mga host ng “Sports Ambush”, bagong show ng Abante News TV.
Naging kontrobersiyal ang relasyon nina Apple at Chad dahil sa kanilang 15-year age gap. 33 taong gulang si Apple habang 18 naman si Chad.
Mapapanood ang buong tsika ni Apple tungkol sa relasyon nila ni Chad sa September 27 episode ng “Sports Ambush” sa Abante News TV, na simulcast sa Bilyonaryo News Channel at Mellow 947. (IS)


