Aba, ibang-iba na ang pambansang oppa na si Ryan Bang dahil matapang na siya ngayon, ha!
Imagine, mula sa mga pickup lines niya sa programa, heto na siya ngayon at nagyayaya na ng date kay Max Collins, ha!
Bongga, di ba? Ang lakas ng loob ni Ryan!
Well, marami naman ang kinilig na madlang people sa pagbabalik nga ni Max bilang hurado sa ‘Miss Q and A’ kaya naman walang paligoy-ligoy na tinukso ni kuys Jhong Hilario si Ryan.
“Kung may Korean word ka na gustong sabihin kay Max, ano ‘yung Korean word na ‘yun?” ang pa-challenge na chika ni Jhong kay Ryan.
Ang banat naman ni Ryan sa Korean ay…
“Pwede ba tayo mag-coffee mamaya, pagkatapos ng kape pwede ba tayong mag-dinner?”
At mukhang nagkaintindihan naman ang dalawa dahil agad-agad sinagot ni Max ng ‘Kamsahamnida’ (thank you) si Ryan.
Nakatutok naman dito ang madlang people pati ang mga netizen dahil trending nga ang kanilang mga tuksuhan sa social media.
“Hindi kumpleto ang tanghali kapag hindi ko nakita or napanood sa ‘It’s Showtime’ tong RyMax.”
“Ang cute nilang dalawa, araw-araw sa ‘Showtime’ inaabangan ko silang dalawa.”
Well, ang sarap ngang tutukan ng pang mala-Kdrama na tukshuan at kiligan ng RyMax sa ‘It’s Showtime’.
Ang tanong, papaya ba si Max? O baka naman mabasted ulit si Ryan, ha!
Kaloka! (Dondon Sermino)


