WebClick Tracer

P42 dagdag-sahod sa Central Visayas aprubado na – DOLE

Aprubado na ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang P42 dagdag-sahod para sa mga minimum wage earner sa Central Visayas, ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis Tolentino.

Ayon sa DOLE, katumbas ng P1,092 kada buwan ang P42 dagdag sa minimum wage.

Tinatayang 337,476 manggagawa ang makikinabang sa taas-sahod na sasaklaw sa Cebu, Bohol, Negros Oriental at Siquijor.

Magiging epektibo ang taas-sahod sa Oktubre 14, 2026, ayon pa sa DOLE. (AC)