WebClick Tracer

P10B inilaan para sa modernisasyon ng rice processing – DA

Modernong rice processing facility at bodega ng National Food Authority para sa modernisasyon ng agrikultura.

Umabot sa P10.363 bilyon ang inilaan para sa modernisasyon ng rice processing habang pinaigting ng pamahalaan ang pagbili ng palay, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Ayon sa DA, nakalaan ang pondo para sa 36 modernong pasilidad, habang mayroon ding 128 bodega na nakatakdang isailalim sa rehabilitasyon, kung saan 100 na ang naayos.

“Modernization is meanwhile accelerating. The NFA inaugurated the Dumangas Grain Facility in Iloilo, equipped with a 10-MT-per-hour rice mill and a mechanical dryer with a 240-MT-per-day capacity,” pahayag ng ahensya.

Nakakuha rin ang DA ng ¥1.7 bilyong grant para sa NFA Cauayan Rice Processing Project.

Kasama rin sa modernisasyon ang 150 delivery at cargo truck, 47 administrative vehicle at pinalawak na Tonner Bag System operations.

Samantala, nasa 278,444 metric tons ang projected milled-rice stock ng NFA as of Setyembre 18, sapat umano para sa tinatayang pitong araw na pangangailangan ng bansa. (AC)