Naitala ang minor strombolian activity sa Bulkang Mayon nitong Sabado ng gabi, Setyembre 26, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, naitala ang aktibidad ng bulkan bandang alas-10:13 ng gabi.
Nagdulot umano ito ng plume na umangat ng 1,000 metro mula sa ibabaw ng summit crater.
Nakuhanan naman ito ng Ligao Observation Station (VMLI) at Mayon Volcano Observatory Ligñon Hill (VMLH) Crater RasPi at IP cameras.
Nananatili ang Alert Level 2 sa Bulkang Mayon, kung saan ipinagbabawal ang pagpasok sa anim na kilometrong permanent danger zone, ayon pa sa Phivolcs. (AC)
f


