WebClick Tracer

Long Mejia, Dagul nag-reunion sa sitcom ng Abante News TV

Muling nagsama sa flagship sitcom ng Abante News TV ang kilala sa komedya na sina Long Mejia at Dagul.

Na-reunion ang dalawa sa pinakabagong handog ng Abante na “Panciteria Aroma” nitong September 26.

Samahan si Long bilang si Mang Pong sa “Panciteria Aroma” tuwing Sabado ng alas-8 ng gabi sa Abante News TV.

Mapapanood din ito sa Cignal/SatLite Channel 30, Sky Direct Channel 40, Converge Channel 79 at Cablelink Channel 103.

Gayundin sa Samsung TV Plus, TCL Smart TV, LG Smart TV, Amazon Fire TV, Blast TV, kAPPit-bahay at Amasian TV para sa international viewers.

May livestreams din sa official YouTube, Facebook at TikTok pages ng Abante News TV. Simulcast din ang programa sa DWAR Abante Radyo 1494 AM.

Ang “Panciteria Aroma” ay nilikha at idinirek ng TV creative at direktor na si Willy Cuevas. (IS)