Mawawalan ng saysay ang Konstitusyon kung ipagtatanggol ng mga Pilipino ang mga gawaing katiwalian ng kanilang mga iniidolong politiko.
ito ang tugon ng Malacañang sa pahayag ng mga Duterte na patay na ang Konstitusyon dahil pinayagan ng impeachment court kung sino lamang ang puwedeng bumoto.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, may sariling mandato ang Senado at ang pagsasagawa ng impeachment trial ay nasa kanilang hurisdiksyon.
Kung ginagawang normal aniya ang ilegal na pagpapatupad ng batas sa mga inosenteng mamamayan para ipatupad ang sinasabing hustisya ay hindi ito naaayon sa Konstitusyon.
Matatandaang inalmahan ng kampo ng mga Duterte ang desisyon ng Senate court na ibaba ang voting threshold mula 16 at ginawang 14 matapos pagbotohan ng mga senator-judge para i-convict ang Bise Presidente (Aileen Taliping)


