WebClick Tracer

‘Ikaw ang vice president namin sa 2028’ – Jimmy Bondoc kay Robin Padilla

Ipinangalandakan ng abogado at singer na si Jimmy Bondoc sa social media ang suporta niya kay Senador Robin Padilla sa pagka-vice president sa 2028 elections.

Sa isang live video na inilabas ni Padilla sa social media, makikitang nagkomento si Bondoc ng mensahe para sa senador.

“Ikaw ang VICE PRESIDENT namin sa 2028,” ani Bondoc.

Sa kabila ito ng nauna nang sinabi ni Padilla na plano na niyang umalis na sa mundo ng politika matapos ang kanyang kasalukuyang termino bilang senador. (IS)