Nakauwi na ng Pilipinas sina Carlos Yulo at kapatid na si Karl Eldrew Yulo matapos masungkit ang ilang medalya sa 2026 Asian Games.
Sa isang social media post nitong Linggo, ibinahagi ni Carlos ang video ng sorpresang sumalubong sa kanila.
“After everything we went through before and during the Asian Games, we came home to this surprise from our people, my CHOSEN family 🙏🏻🤍,” sabi ni Carlos.
“Thank You, Lord, for giving me people who went through the hard days with us, celebrate every victory with us, and never left our side. Salamat, Panginoon, sa pagpanalo Mo sa amin 🥇,” dagdag niya.
Nagpasalamat din siya sa kanyang girlfriend na si Chloe sa pagtanggap sa kanila ng kapatid bilang bahagi ng kanyang pamilya.
“Thank you mahal ko Chloe sa pag share mo ng pamilya mo sa amin ni Eldrew, for loving us, looking after us, and making us feel that we are never alone,” sabi pa ni Carlos.
Nag-uwi si Carlos ng dalawang gintong medalya mula sa men’s vault at floor exercise, habang nakuha naman ni Karl Eldrew ang bronze medal sa men’s horizontal bar finals. (AC)


