WebClick Tracer

Bribery case ni VP Sara hindi na prayoridad ng prosekusyon

Hindi pa nawawala sa mesa ng prosecution team ang Article 3 o bribery case laban kay Vice President Sara Duterte subalit “least priority” na umano ang kasong ito.

Ito ang kapwa kinumpirma ni Deputy Speaker Paolo Ortega V at prosecution legal spokesman Atty. Benjamin Tolosa Jr., matapos umugong na posibleng hindi na ito isalang sa paglilitis sa Impeachment court.

“Hindi pa off the table kasi nga hindi pa naman nare-raise ng presiding officer eh tingin ko hindi pa off the table. Pero I think they’re strongly considering po na baka least priority na itong bribery” ani Ortega.

Ayon naman kay Tolosa, bagama’t may opsyon aniya ang mga ito na hindi na isalang ang bribery case upang hindi na tumagal ang impeachment trial wa pa umanong pinal na desisyon ang prosecution team.

“Hindi pa naman ho final ang desisyo na ‘yun as of today,” ani Tolosa subalit nais ng mga ito na matapos aniya ang mga ito sa pagpepresenta ng mga ebidensya laban kay Vice President Sara Duterte para ang isang buwang break sa Impeachment trial.

Mula sa ikatlong linggo ng Oktubre hanggang pangalang linggo ng November ay magkakaroon ng break sa impeachment trial upang maharap ng mga Senator-Judges ang pagpapatibay sa P7.2 trillion pondo sa susunod na na taon.

Dahil dito, nakatakdang pa lamang aniyang desisyunan ng prosecution team kung kailangan pa bang ipresenta ang bribery case na ito o hindi na.

Ang nasabing article ay kaugnay ng panunuhol diumano ni Duterte sa mga opisyales ng Department Education na pinamunuan nito mula 2022 hanggang 2024. (Bernard Taguinod)