WebClick Tracer

Bela Padilla hiwalay na sa dyowang CEO

Inanunsiyo ng aktres na si Bela Padilla na hiwalay na sila ng boyfriend niyang tech CEO na si Martin Tan.

Sa Instagram nitong September 27, nagpasalamat din siya sa mga sumuporta at naniwala sa kanilang relasyon.

Ayon kay Bela, ito ang unang relasyon niya kung saan talagang naramdaman niyang nahulog siya nang husto sa isang tao.

Pareho raw kasi silang mahilig sa pelikula, food markets, trabaho at higit sa lahat, “genuinely being together.”

Aminado rin si Bela na pinili niyang maging pribado ang kanilang relasyon dahil ito ang unang pagkakataon na naramdaman niyang “I most like and unlike myself.”

Bagama’t mukhang bagong magkasintahan lamang daw sila sa viral video nila sa Legazpi Market, sinabi ni Bela na ilang buwan na silang dumaraan sa pinakamaganda at pinakamahirap din na bahagi ng kanilang relasyon.

Dahil dito, nagdesisyon daw siyang maghiwalay sila “to save whatever we can of ourselves and how we see each other.”

Para kay Bela, ang pagmamahal sa isang tao ay nangangahulugan din ng pag-alam kung kailan dapat bumitaw bago pa mawala ang magagandang bagay na nakita ninyo sa isa’t isa.

“Martin is one of the most fun, smartest, and definitely most charming people I’ve ever met. I will always be grateful for what we shared, and I genuinely wish him nothing but the best,” sabi pa ni Bela. (Issa Santiago)