WebClick Tracer

Bagyong Queenie lalo pang lumakas habang palabas ng PAR

Satellite tracking map ng PAGASA habang lumalabas ng PAR ang Bagyong Queenie.

Lalo pang lumakas ang Bagyong Queenie habang papalapit na itong lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA nitong Linggo ng umaga.

Sa 11 a.m. tropical cyclone bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 765 kilometro hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 150 km/h at pagbugsong umaabot sa 185 km/h. Kumikilos ito pahilaga hilagang-silangan sa bilis na 10 km/h.

Ayon sa PAGASA, posibleng lumabas ng PAR ang Queenie ngayong tanghali hanggang hapon bago kumilos pahilagang-silangan patungo sa karagatan sa timog ng mainland Japan.

Inaasahan ding lalo pang lalakas ang bagyo habang kumikilos sa karagatan sa timog ng Okinawa Islands bago magsimulang humina pagsapit ng Lunes, Setyembre 28. (AC)