Paglubog ng araw at matapos ang kanilang papel sa publiko, mas makikilala ang mga kilalang personalidad sa bagong podtalk show na “After Hours” sa Bilyonaryo News Channel.
Pangungunahan ito nina Abante news anchor at Miss International 2013 Bea Santiago at multimedia host at Universal Woman 2024 Maria Gigante.
Pinagsasama ng programa ang podcast at modernong talk show para mas makilala ang mga politiko, celebrity at influencer sa kanilang personal na buhay.
Tampok sa programa ang mga kapana-panabik, kontrobersyal at mapangahas na kuwentuhan, kasabay ng class at elegance.
Mapapanood ang “After Hours” tuwing Linggo, alas-9 ng gabi, sa Bilyonaryo News Channel simula Setyembre 27. (AC)


