WebClick Tracer

2 kapatid kumampi kay Kim Chiu vs Lakam

Nagpakita ng suporta ang dalawa pang kapatid ni Kim Chiu sa legal battle ng aktres sa isa pa nilang kapatid na si Lakambini “Lakam” Chiu.

Sa kani-kanilang Instagram Stories, ibinahagi ng dalawang kapatid ni Kim na sina Twinkle Chiu at John Paul Chiu ang pahayag mula sa One Publicity PH, isa sa mga fan page ni Kim.

“We stand with Ms. Kim Chiu and House of Little Bunny Philippines in protecting the company, its employees, and everyone who has worked hard to build the business,” ayon sa pahayag.

“May truth, justice, and accountability prevail as we continue to pray for Ms. Kim, the company, and everyone affected by this matter,” dagdag pa roon.

Matatandaang inaresto noong nakaraang linggo sa Mandaluyong City ang kapatid ni Kim na si Lakam kaugnay ng 124 counts ng qualified theft.

Itinanggi ni Lakam ang mga paratang at nagpasok ng not guilty plea sa kanyang arraignment sa Quezon City Hall of Justice.

Nakulong siya sa Quezon City Jail Female Dormitory bago tuluyang nakalaya noong Biyernes matapos makapagpiyansa. Itinakda sa mahigit P5 milyon ang kanyang piyansa.

Kinasuhan ni Kim ang kapatid na si Lakam dahil sa pagnanakaw diumano ng milyon-milyong piso mula sa kanilang negosyo. (IS)