Mapapanood na simula bukas, Setyembre 27, ang bagong programa ng Abante na “Sports Ambush” na tampok ang mga maiinit na isyu, eksklusibong panayam at walang prenong talakayan tungkol sa mundo ng palakasan.
Maghahatid ng mga kuwento, rebelasyon at kontrobersiya sa sports ang kilalang sports broadcaster na si Apple David at batikang showbiz/sports personality na si Ambet Nabus.
Mapapanood ang “Sports Ambush” tuwing Linggo, ala-1 hanggang alas-2 ng hapon, sa YouTube at Facebook accounts ng Abante, simulcast sa Bilyonaryo News Channel.
Maaari rin itong mapanood sa Free TV Channel 31, Cignal Channel 30, Samsung TV Plus, TCL Smart TVs, Blast TV, AmasianTV, Cignal Play, Converge Channel 79 at K5 News FM Philippines. (AC)


