WebClick Tracer

Regine Velasquez-Alcasid isiniwalat pagpapa-checkup ng lalamunan sa Singapore

Nakabitin pa sa hangin kung ano ang mga susunod na gagawin ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid matapos ang kanyang “Finale” concert.

Sa grand mediacon, iginiit ni Regine na hindi na nya kaya ang mag-solo concert sa malaking venue lalo’t napapagod sya sa preparasyon, hindi siya nakakatulog, sumasakit ang ulo at nagkakaroon ng anxiety.

Nakagdagdag pa ang kundisyon ng kanyang boses kung saan ibinahagi nito ang pagkakaroon ng “menopause voice” bunga ng kanyang edad, kung kaya may mga pagkakataong nagka-crack ang kanyang boses.

Walang nakitang diperensya sa vocal chords ni Regine nang magpa-check sya sa Singapore.

Menopause voice ang diagnose ng doktor, na ito ay dulot ng pagtanda nya.

Nasilip ng doktor na nababalutan ng mucus ang kanyang lalamunan at nabawasan ang elasticity nito.

Sey pa nya, never na nangyari sa kanyang buong karera sa showbiz ang nasisintunado siya sa mga live performance nya.

Sa ngayon, gustong pag-isipan ni Regine ang lahat ng kanyang gagawin. Papakiramdam muna ang kanyang sarili, lalo na ang kanyang boses.

Pero kung sakaling may opportunity na tumawid ang “Finale” abroad, puwede nya itong i-consider para sa mga solids nya overseas.

Kahit ang paggawa ng pelikula ay inaayawan na rin ni Regine.

Sambit nya, baka raw hindi na sya marunong umarte at matanda na raw sya para dito.

“Gow”, “Kaya mo yan!” ang sigaw ng mga press at vlogger sa nakaraang grand mediacon para sa kanyang concert.

Malinaw na hindi raw magre-retire si Regine. Katunayan, may gagawin raw syang musical production next year na project ng hubby nya na si Ogie Alcasid.

Open sya sa back-to-back concert sa malaking venue o makipag-collab sa ibang artist.

Samantala, ikinagulat ni Regine mabilis na pagka-sold out ng kanyang concert sa loob lamang ng 45minutes.

Mapapanood ang “Finale” sa October 17, 18 & 19 sa Moa Arena. (Rey Pumaloy)