Nanatiling severe tropical storm ang Bagyong Queenie habang nasa Philippine Sea, ayon sa PAGASA nitong Sabado, Setyembre 26.
Huling namataan ang bagyo sa layong 600 kilometro silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas na 95 kph at bugso na hanggang 115 kph, habang kumikilos pa-hilagang-kanluran sa bilis na 15 kph.
Inaasahang lalakas pa si Queenie at maaaring maging typhoon pagsapit ng Sabado ng gabi o Linggo.
Posibleng lumabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Linggo ng hapon hanggang gabi.
Samantala, magdadala ang intertropical convergence zone (ITCZ) ng maulap na panahon, kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Kabilang dito ang Negros Island Region, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Palawan, at Davao Oriental.
Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, asahan ang mga localized thunderstorm, ayon pa sa PAGASA. (AM)


