Epektibo na ang Wage Order No. 28, na nagtataas ng minimum wage sa Metro Manila ng P60 para sa mga manggagawa sa mga non-agricultural at agricultural sector, simula ngayong Sabado, Setyembre 26.
Sa ilalim ng bagong wage order, magiging P755 kada araw ang minimum wage ng non-agricultural workers mula sa dating P695.
Para naman sa agricultural workers, magiging P718 ito mula sa dating P658.
Inilabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-NCR ang kautusan matapos ang konsultasyon sa mga kinatawan ng mga manggagawa, employer at gobyerno.
Matatandaang naantala ang dating Wage Order No. 27 na naglaan sana ng P85 dagdag-sahod sa dalawang tranche, P60 noong Hulyo 15 at P25 sa Enero 2027.
Ito ay matapos maglabas ng temporary restraining order ang korte sa Pasig City kaugnay ng petisyong inihain ng dalawang contractor. (AM)


