WebClick Tracer

LTFRB nagpaalala sa operators, drivers na ipaskil ang updated fare matrix

Pinaalalahanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga operator at driver ng pampublikong sasakyan na tiyaking nakapaskil ang updated fare guide o matrix bago ipatupad ang taas-pasahe simula Lunes, Setyembre 28.

Ayon sa LTFRB, maaaring i-download ang updated fare guide o matrix mula sa opisyal na website nito na ltfrb.gov.ph.

Hinikayat naman ng ahensya ang mga komyuter na ipagbigay-alam sa LTFRB ang mga pampublikong sasakyang walang nakapaskil na updated fare guide o matrix.

Maaaring makipag-ugnayan sa ahensya sa pamamagitan ng 1342 hotline o opisyal na Facebook page nito para sa kaukulang aksyon alinsunod sa umiiral na mga patakaran. (AC)