WebClick Tracer

LTFRB inilabas dagdag-pasahe sa UV Express, taxi

Inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa isang abiso nitong Sabado ang provisional fare increase para sa mga UV Express at taxi.

Para sa traditional UV Express, itinakda ang provisional increase na P2.60 kada kilometro, habang P3 kada kilometro naman ang dagdag para sa modern UV Express.

Samantala, itinaas sa P65 ang flag-down rate para sa regular taxi, P80 para sa Premium Silver Taxi Service at P95 para sa Premium Gold Taxi Service.

Ipinaliwanag ng LTFRB na pansamantala lamang ang naturang fare increase habang isinasagawa ang kaukulang proseso at pagsusuri para sa fare adjustment ng UV Express at taxi.

Maaari pa umano itong magbago batay sa magiging pinal na desisyon ng ahensya. (AC)