WebClick Tracer

Lino Cayetano magkukuwento tungkol kay Alan Peter Cayetano?

Ibinahagi ni Direk Lino Cayetano na sisimulan na niya ang araw-araw na pakikipag-usap at pakikipagkuwentuhan tungkol sa iba’t ibang mahahalagang isyu sa bansa.

Sa kanyang Facebook post noong Biyernes, inanunsiyo ni Cayetano ang kanyang plano, partikular para sa mga residente ng Taguig at Pateros.

“Mula ngayon, dadalas-dalasan na natin ang pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng Facebook, sa pamamagitan ng YouTube. Para sa gano’n, napag-uusapan natin ‘yung mga issues na importante sa inyo, importante sa atin,” aniya.

“Pare-pareho na naman tayong mga magkakapitbahay, magkakaibigan, magkababayan na nagmamahal sa bayan ng Taguig at Pateros,” dagdag pa niya.

Ani Cayetano, susubukan din umano niyang mag-imbita ng mga personalidad na maaari niyang makasama sa bawat kuwentuhan.

Lumutang naman ang pangalan ng kanyang kapatid na si Senador Alan Peter Cayetano, kung saan may ilang netizen na inihayag na posibleng magkuwento ang direktor tungkol sa mga isyung kinakaharap ng senador.

Ayon kay PTV-4 General Manager Cayetano, “Siguro minsan, puwede nating pag-usapan ang mga issues na pang-nasyonal, minsan mga issues na panglokal.”

Pagbibigay-diin naman niya, “Hindi ito politika, kundi mga issues na nakakaapekto sa buhay natin.”

Nakatuon umano si Cayetano sa mga problema sa bayan at para sa layuning maging agresibo sa paghahanap ng solusyon. (AM)