WebClick Tracer

Kuya Fiel ginawang adbokasiya ang pagtulong sa kapwa

Pinatutunayan ni Zeferino “Kuya Fiel” Da Silva, founder ng One Race for Filipino Services Inc., na hindi kailangang maging mayaman para makatulong sa kapwa.

Sa panayam sa programang “Tulong Abante” ng Abante, ibinahagi ni Kuya Fiel kung paano nagsimula ang kanyang adbokasiya sa gitna ng pandemya nang gamitin niya ang sariling suweldo para bumili ng pagkain at ipamahagi sa mga taong naninirahan sa lansangan.

“If wala akong trabaho, wala akong mararaise sa Filipino Service kasi yung first start ko, my salary. Tapos people saw the consistency, ‘yung excitement ko. Ito yung isang pamilya dito sa Philippines, ‘yung Isaac family… they are the one who believed in me,” ani Kuya Fiel.

Bukod sa agarang pangangailangan, sinusubukan din umano ng grupo na humanap ng pangmatagalang solusyon para sa mga benepisyaryo.

Samantala, sinabi ni Kuya Fiel na mahalaga ang transparency sa pagtulong kaya regular niyang ibinabahagi sa mga donor ang mga resibo, larawan at update kung saan napupunta ang kanilang mga ipinagkakaloob.

“Sa lahat ng sponsors, maraming salamat sa inyong lahat. Kung wala kayo, baka wala ako din. So everything we’re doing is to show that in unity, we can accomplish a lot of things,” dagdag niya.

Hinimok din niya ang mga nais tumulong na makiisa sa kanilang adbokasiya at makilahok sa pagtulong sa mga nangangailangan.

“If you want to believe in me, dapat get close muna, open ako. We can talk, we can go and help people in need,” dagdag niya. (AC)