Muntik pang maudlot ang “Finale” concert ni Regine Velasquez-Alcasid nang kausapin nito ang kanyang kapatid at manager na si Cacai Velasquez-Mitra.
Si Cacai ang manager ni Regine sa loob ng 23 years sa industriya. At ito rin ang producer ng “Finale”.
Sa exclusive interview namin kay Cacai sa nakaraang grand mediacon ng ng “Finale”, ibinahagi nito sa amin na muntik nang makansela ang nasabing show.
Kuwento ni Cacai, kinausap sya ng kanyang ate kung puwede raw na huwag nang ituloy ang concert.
Naiitindihan raw ni Cacai ang pinanggagalingan ni Regine. Naga-alala ito kung marami pa ang manonood sa kanya. Naroon ang kundisyon ng kanyang boses, na hirap nang abutin ang mga mataas na key ng mga kanta nya.
Pinanindigan ni Cacai na tapusin muna nila ang concert at saka raw pag-isipan ng kapatid ang gusto nyang gagawin sa mga susunod.
Suportado raw ni Cacai ang lahat ng desisyon ng kanyang ate pagkatapos ng major concert nito.
Magsisimula na raw mag-rehearse si Regine ng kanyang mga kakantahin.
Sabi nga ni Songbird sa mediacon, halos 40 songs ang gagawin nya.
Sa tatlong gabi, iba-iba ang kanyang listahan ng mga kakantahin nya. Para raw hindi magkakapareho.
Ayon naman kay Cacai, ang pinaka-challenge raw sa concert ay ang “free night”.
Puwedeng mag-abono at hindi kumita ang production pero handa naman raw sya rito.
Ito raw ang pasasalamat nila sa mga sumuporta sa kanyang ate sa 40 yrs nito sa industry kaya buo ang kanyang loob.
Mapapanood ang “Finale” ngayong October 17, 18, 19 sa Moa Arena. (Rey Pumaloy)


