WebClick Tracer

DLSU student nasungkit huling semifinals slot sa ‘Bilyonaryo Quiz B Season 2’

Matagumpay na nasungkit ni Edric Ato ng De La Salle University (DLSU) ang huling puwesto sa semifinals ng “Bilyonaryo Quiz B: College Edition Season 2” ng Bilyonaryo News Channel.

Nakaharap ni Ato ang schoolmate na si Neil Maniquis at si Edam Edicto ng Mindanao State University-General Santos.

Naging dikit ang laban sa Opening Round. Nakakuha si Maniquis ng P2,000, habang P3,000 naman kay Ato at P4,000 kay Edicto.

Sa Knockout Round, umangat sa P11,000 ang premyo ni Ato, habang nakakuha si Edicto ng P8,000 at nanatili sa P2,000 si Maniquis.

Sa Bilyonaryo Bonus Round, sumabak si Ato sa kategoryang “On the Fly” na tungkol sa mga lumilipad na hayop o ibon. Apat sa 10 tanong ang nasagot nang tama.

Sa huli, P26,000 ang kabuuang premyong naiuwi ni Ato, na babalik sa susunod na linggo para sa huling semifinal round bago ang grand finals.

Panoorin ang buong laban sa September 26 episode ng “Bilyonaryo Quiz B: College Edition Season 2” sa Bilyonaryo News Channel.

Mapapanood ang programa tuwing Sabado, alas-7 ng gabi, sa Free TV Channel 31, Cignal Channel 24, Samsung TV Plus, TCL Smart TVs, Blast TV, AmasianTV, Cignal Play, at BNC YouTube at Facebook. (AC)