WebClick Tracer

Commercial building sa Parañaque City sapol ng sunog

Makapal na usok at apoy sa nasusunog na commercial building sa Parañaque City.

Sumiklab ang sunog sa isang tatlong palapag na commercial building sa Barangay San Isidro, Parañaque City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), natanggap ang ulat ng insidente bandang 11:29 ng gabi noong Biyernes sa Dr. A. Santos Avenue corner Filipinas Avenue.

Umabot naman sa fifth alarm ang sunog bandang alas-12:14 ng madaling-araw nitong Sabado.

Naideklarang under control ang sunog alas-6:29 ng umaga.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente, habang patuloy pang iniimbestigahan ang eksaktong sanhi ng sunog. (AM)