Nilinaw ni Atty. Israelito Torreon, abogado ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na hindi nagtatago ang kaniyang kliyente kundi iniiwasan lang umano nito ang magpakita sa publiko.
Taliwas ito sa sinasabi ng ilan na nagtatago umano si Dela Rosa kaugnay ng kinakaharap nitong kaso sa International Criminal Court (ICC).
Sa panayam sa programang “Politiko Talks” ng Bilyonaryo News Channel, sinabi ni Torreon na mahalaga ang paggamit ng salita.
Aniya, ang “in hiding” ay maaaring ipahiwatig na kinikilala ni Dela Rosa ang bisa ng arrest warrant at hurisdiksyon ng ICC.
Sa halip, sinabi ng abogado na “making himself unavailable” ang senador habang ipinagpapatuloy nito ang mga legal na remedyo sa Korte Suprema.
Panoorin ang buong panayam kay Torreon sa September 25 episode ng “Politiko Talks”.
Maaari namang abangan ang programa tuwing Biyernes, 8:00 ng gabi, sa Free TV Ch. 31, Cignal Ch. 24, Samsung TV Plus, TCL Smart TVs, Blast TV, AmasianTV, Cignal Play, BNC YouTube at Facebook.


