WebClick Tracer

Valenzuela, Navotas tuloy-tuloy ang declogging para iwas-baha

Tuloy-tuloy ang paglilinis at declogging ng mga kanal sa Valenzuela at Navotas bilang paghahanda laban sa pagbaha, lalo na ngayong nag-uulan.

Sa Valenzuela, isinagawa ang city-wide clean-up operation sa Melbourne Street, Ciudad Grande Phase 1, Barangay Lingunan, bilang bahagi ng Task Force Kalinisan: Oplan Linis Ganda.

Kabilang sa operasyon ang declogging, flushing, waste management, grass cutting, tree trimming at animal control para maalis ang basura at putik na maaaring bumara sa mga daluyan ng tubig.

Sa Navotas naman, nagpapatuloy ang declogging ng mga kanal na maaaring pagmulan ng pag-ipon ng tubig sa mga kalsada kapag barado.

Kasabay nito, hinikayat ang mga residente na maging responsable sa pagtatapon ng basura, paghiwa-hiwalayin ang mga ito at ilabas lamang kapag nasa lugar na ang garbage collection truck.

Layunin ng nito na panatilihing malinis at bukas ang mga daluyan ng tubig upang makatulong na mabawasan ang panganib ng pagbaha. (Cherk Balagtas)