Pinakamataas ang nakuhang suporta ni Alex Eala mula sa mga user ng ArenaPlus nang makasagupa niya ang pinakamahirap na kalaban sa kanyang US Open campaign.
Batay sa datos ng ArenaPlus, 71.9% ng ArenaPlus picks sa laban ay pabor kay Eala na talunin ang World No. 14 na si Iva Jovic.
Sa kabila ng nakuhang matinding suporta kumpara sa kanyang unang dalawang laban sa US Open, bigong magwagi si Eala laban kay Jovic sa tatlong set, 5-7, 6-3, 5-7, matapos ang mahigit tatlong oras na laban.
Tanging 40% ng ArenaPlus users ang pumili kay Eala kontra American Mary Stoiana, na World No. 122, ngunit nanaig ang una, 6-1, 6-2.
Sa second round naman, 27.8% lamang ang pumabor kay Eala laban naman kay Oleksandra Oliynykova ng Ukraine, na World No. 46.
Muling pinatunayan ng Filipina tennis star na mali ang mga prediction matapos niyang manalo, 6-1, 6-4.
Bago ang kanilang US Open encounter, dalawang beses nang natalo si Eala kay Jovic, na apat na puwesto ang taas sa kanya sa world rankings.
Ayon kay Ethan William, head ng ArenaPlus, ipinapakita ng datos ang lumalaking tiwala ng mga supporter kay Eala habang patuloy siyang nakikipagsabayan sa mga nangungunang tennis player sa mundo.
Bagama’t natapos sa third round, sinabi ni William na ang US Open run ni Eala ay isang paalala kung gaano na kalaki ang naging pag-unlad nito bilang manlalaro.
“Her US Open run is another reminder of how much she has grown as a player. Even against a tough opponent like Iva, our users believed she could get the job done,” saad niya. (IS)


