WebClick Tracer

Sheree nadale ng ‘tubero’

Wala umanong idea ang aktres at Viva Hot Babes member na si Sheree na ang mga nakadikit na ad sa mga poste o pader sa mga kalye, na nag-o-offer ng tubero services, ay mga lalaki palang nagbibigay ng panandaliang aliw.

Ito ang isa sa mga naikuwento ni Sheree sa isang teaser ng vlog na pinost nitong Setyembre 24.

“I didn’t know na ‘yun palang parang nakapaskil sa mga walls, ‘yung tubero, sa poste? Hindi pala talaga totoong tubero ‘yun!” wika ng sexy star.

Minsan daw ay kinailangan niyang kumuha ng tubero na gagawin ang nasira niyang koneksyon sa tubig.

“Nasiraan ako ng tubig sa bahay. I called the number,” ani Sheree.

Ayon sa kanya, tumugon naman ang nasabing numero, ngunit hindi niya akalain na ibang tubero pala ang darating sa kanyang pintuan.

“May dumating nga na mukhang tubero sa bahay, pero nakalabas ‘yung abs.

“Mukha talaga siyang hot na tubero!” say pa ni Sheree.

Paliwanag naman daw ng lalaking iyon, ibang uri ng serbisyo ang kaniyang ibinibigay.

“Hindi po talaga kami tubero ma’am. Ano po kami, parang ‘pag sa mga parties, bachelorette party po, ganun,” eksplika naman umano nito sa sexy star.

Nasa UTC vlog ang buong kuwento na iyon ni Sheree, kasama sina DJ Tony Toni at Dr. Rica Cruz. (Jun Lopez)